Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sa credentials na hawak ni Duque, walang duda na sapat ang competence at integridad nito para pamunuan ang PCA.
“With his credentials, we expect a man of competence and integrity in the likes of Mr. Duque to champion the cause of the Filipino coconut farmers,” pahayag ni Panelo.
Isang welcome development aniya ang pagtatalaga kay Duque.
Ayon kay Panelo, kung pagbabasehan ang professional career ni Duque, walang duda na ibinigay na nito ang buhay sa pagbibigay ng serbisyo publiko.
Nagsilbi na aniya si Duque sa Social Security System (SSS), naging vice governor ng Pangasinan at naging director at deputy administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).