Malakanyang tiwalang maisusulong ni PCA admin Duque ang kapakanan ng mga magniniyog sa bansa

By Chona Yu July 29, 2019 - 07:01 PM

Tiwala ang Palasyo ng Malakanyang na maisusulong ni bagong Philippine Coconut Authority (PCA) administrator Gonzalo Duque ang kapakanan ng mga Filipinong coconut farmers.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sa credentials na hawak ni Duque, walang duda na sapat ang competence at integridad nito para pamunuan ang PCA.

“With his credentials, we expect a man of competence and integrity in the likes of Mr. Duque to champion the cause of the Filipino coconut farmers,” pahayag ni Panelo.

Isang welcome development aniya ang pagtatalaga kay Duque.

Ayon kay Panelo, kung pagbabasehan ang professional career ni Duque, walang duda na ibinigay na nito ang buhay sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Nagsilbi na aniya si Duque sa Social Security System (SSS), naging vice governor ng Pangasinan at naging director at deputy administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

TAGS: coconut farmers, Gonzalo Duque, Philippine Coconut Authority, Salvador Panelo, coconut farmers, Gonzalo Duque, Philippine Coconut Authority, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.