Brgy. chairman na nanutok umano ng baril sa Maynila, sumuko na

By Clarize Austria July 29, 2019 - 06:59 PM

MANILA PIO PHOTO

Humarap na sa publiko ang barangay chairman ng Barangay 790 na nanutok ng baril sa mga sibilyan dahil sa away sa paradahan ng sasakyan, Lunes ng hapon.

Ito ay makaraang hamunin siya ni Manila Mayor Isko Moreno noong Biyernes, July 26, na sumuko sa pulisya.

Ayon kay Barangay Chairman Amado Soriano, ginagawa lang niya ang kaniyang tungkulin bilang kapitan na panatiliin ang kapayapaan sa nasabing lugar.

Apela naman ng mga nagreklamo mula sa pamilyang Banlaygas, sana mahinahong inayos ng kapitan ang gulo sa halip na manutok ng baril.

Ayon naman kay Moreno, magsilbi sana itong leksyon sa mga kapitan na huwag ilagay sa sarili nilang palad ang batas dahil may mga pulis naman.

Ipinaubaya naman ng alkalde ang kaso sa pulisya at mga kinauukulan dahil parehas naghain ng reklamo ang dalawang panig.

Frustrated murder at grave threats ang isinampang reklamo laban sa barangay chairman.

Naghain din ng reklamo si Soriano kontra sa General Asssignment at Investigation Section ng Manila Police District.

TAGS: Barangay Chairman Amado Soriano, Barangay Chairman Amado Soriano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.