LOOK: Ilang departamento sa Taguig City, naglinis para sa ligtas na mga lansangan

By Jan Escosio July 29, 2019 - 04:46 PM

Nagtulung-tulong ang mga kawani ng iba’t ibang departamento ng Taguig City government para linisin ang mga lansangan sa lungsod ng lahat ng uri ng mga sagabal.

Ang mga naglinis na mga kawani ay mula sa Traffic Management Office, Public Order and Safety Office, Market Management Office, Business Permits and Licensing Office, General Services Office, at Solid Waste Management Office, katulong ang Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Itinuloy lang ni Mayor Lino Cayetano ang ginawa ni dating Mayor Lani Cayetano sa pagsasagawa ng clearing operations sa lungsod.

Alinsunod na rin ito sa bilin ni Pangulong Duterte sa kaniyang huling State of the Nation Address (SONA) na wakasan na ang tila pag-angkin ng mga pribadong mamamayan sa mga pampublikong kalsada.

Naniniwala si Cayetano na ang malinis na lansangan ay ligtas para sa mamamayan.

TAGS: Business Permits and Licensing Office, dating Mayor Lani Cayetano, General Services Office, Market Management Office, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police, Public Order and Safety Office, Solid Waste Management Office, State of the Nation Address (SONA), Traffic Management Office, Business Permits and Licensing Office, dating Mayor Lani Cayetano, General Services Office, Market Management Office, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police, Public Order and Safety Office, Solid Waste Management Office, State of the Nation Address (SONA), Traffic Management Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.