Bilang ng nasawi sa Batanes, umabot na sa 9

By Angellic Jordan July 29, 2019 - 04:42 PM

Photo credit: Sen. Christopher “Bong” Go

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa tumamang dalawang malakas na lindol sa Itbayat, Batanes.

Ayon kay Nilda Garcia, opisyal mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), natagpuan ang katawan ng biktimang si Edwin Ponce sa gumuhong kuweba sa Itbayat.

Si Ponce, residente ng Barangay Sta. Maria, ang ika-siyam na nasawi sa serye ng lindol sa lugar.

Samantala, sinabi ni Garcia na nasa mahigit-kumulang 2,000 residente ang nananatili sa mga tent sa plaza.

Kulang aniya ang mga dumarating na tent para sa mga residente kung kayat nababasa sila tuwing umuulan sa lugar.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang Lunes ng umaga, nasa 911 pamilya o 2,963 na indibidwal ang apektado ng dalawang lindol.

TAGS: Barangay Sta. Maria, batanes, itbayat, Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), NDRRMC, Barangay Sta. Maria, batanes, itbayat, Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.