Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tuloy pa rin ang Individual Medical Assistance Program (IMAP) ng Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC).
Ito ay sa kabila ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto ang lahat ng gaming operation ng PCSO.
Sa inilabas na pahayag, nag-abiso ang ahensya sa publiko na tuloy pa rin ang serbisyo ng kanilang IMAP sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City.
Bukas pa rin anila ang lahat ng PCSO Branch Office sa buong bansa.
Matatandaang sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na maaring lumapit para humingi ng tulong ang mga pasyente na umaasa sa medical aid ng PCSO sa Office of the President at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).
Umaasa pa rin ang PCSO na ikokonsidera ng pangulo ang kaniyang naging kautusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.