Kinilala ng pulisya ang biktima na si Romy Ramas, 33-anyos at sinasabing miyembro umano ng grupo ng hinihinalang drug lord na si Steve Go.
Ayon kay Sr. Insp. Mark Toñacao, assistant warden ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Mandaue City, sinaksak ng hindi pa matukoy na bilanggo si Ramas sa basketball court sa loob ng Mandaue City Jail Male Dormitory sa Barangay Looc bandang 10:42 ng umaga.
Rumesponde aniya ang isang BJMP personnel sa nangyaring komusyon at nakitang walang malay si Ramas.
Agad dinala si Ramas sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Sinabi naman ni Col. Jonathan Abella, hepe ng Mandaue City Police Office, na magsasagawa sila ng hiwalay na imbestigasyon sa kaso.