Search and rescue ops sa Itbayat, Batanes pansamantalang inihinto
Pansamantalang inihinto ang search and retrieval operations sa Itbayat, Batanes.
Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, hindi pa ligtas ang pagsasagawa ng operasyon sa ilang lugar na lubhang naapektuhan ng tumamang dalawang malakas na lindol noong araw ng Sabado, July 27.
Ipagpapatuloy aniya ang operasyon bandang Lunes ng hapon gamit ang backhoe.
Matatandaang sinabi ni Cayco na mayroong isang nawawala habang walo ang kumpirmadong nasawi bunsod ng magkasunod na lindol sa lugar.
Nasa 809 kabahayan naman aniya ang nasira ng lindol.
Dahil dito, nananatili pa rin ang ilang survivor sa open field at tent sa plaza sa lugar.
Nanawagan din si Cayco sa Department of Health (DOH) na magpadala ng mga doktor para magsagawa ng stress debriefing sa mga residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.