Mga nasa likod ng korapsyon sa PCSO, dapat pangalanan ng Malakanyang – Zarate

By Angellic Jordan July 29, 2019 - 02:22 PM

Hinamon ni House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate si Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan ang sinasabing nasa likod ng anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Zarate, kung talagang nagkaroon ng malawakang korapsyon sa ahensya ay dapat lamang itong maimbestigahan at mapanagot ang may kasalanan.

Wala aniyang alam ang publiko sa kung sino ang sinasabing mga korap ng pangulo.

Ang masakit aniya ay ang mga ordinaryong mamamayan na humihingi ng tulong sa PCSO.

Hinikayat din nito ang komite sa Kamara na imbestigahan kung mayroong paglabag sa PCSO Franchise Law.

Samantala, naniniwala si Zarate na nais lamang pagtakpan ni Pangulong Duterte ang isyu ng endo kaya nito ipinag-utos ang pagpapahinto sa operasyon ng PCSO.

Iginiit nito na ang pangulo mismo ang nangakong wawakasan ang endo pero makalipas ang tatlong taon makaraang maupo sa puwesto ay hindi pa rin ito naipapatupad.

Hindi rin aniya dapat inililihis ng Malakanyang ang isyu sa kabiguang maipasa ang endo.

TAGS: House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, isyu ng endo, Kamara, Malakanyang, PCSO Franchise Law., Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Rodrigo Duterte, House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, isyu ng endo, Kamara, Malakanyang, PCSO Franchise Law., Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.