“The Lion King” nangunguna pa rin sa US Box Office

Naghahari pa rin sa takilya ang “The Lion King” sa kabila ng bagong pelikula na pinangungunahan nina Brad Pitt at Leonardo diCaprio na “Once Upon a Time in Hollywood.”

Kumita ang “The Lion King” ng dagdag na $75.5 million nitong weekend para manatili sa unang pwesto habang pumapangalawa naman ang “Once Upon a Time in Hollywood” ng $40 million nang magbukas sa mga sinehan.

Sa ngayon, ang “The Lion King” ay nasa pang-apat na pwesto sa may pinakamalaking kita sa taong ito na may kabuuang $350-million sa loob lamang ng 10 araw.

Nasa ikatlong pwesto naman ang Spider-Man: Far From Home ($344M); pang-apat ang “Toy Story 4” ($395M); at pang-lima ang “Crawl” ($31M).

 

Read more...