NDRRMC: Pinsala ng magkakasunod na lindol sa Itbayat, Batanes nasa P47M

By Jimmy Tamayo July 29, 2019 - 10:24 AM

Umabot na sa P47-milyong ang halaga ng pinsalang dulot ng magkakasunod na lindol sa Itbayat, Batanes noong sabado.

Base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa napinsala ang Itbayat District Hospital at ang Itbayat Rural Health Unit.

Inihayag pa ng NDRRMC na may 15 bahay at 2 paaralan ang nasira sanhi ng pagyanig.

Nanatili naman sa Itbayat Plaza ang nasa 911 na pamilya o nasa halos tatlong libo katao na lumikas mula sa kanilang bahay matapos ang lindol.

 

TAGS: batanes, Itbayat District Hospital at ang Itbayat Rural Health Unit., National Disaster Risk Reduction and Management Council, ndrrmc, P47-milyong ang halaga ng pinsalang dulot ng magkakasunod na lindol sa Itbayat, batanes, Itbayat District Hospital at ang Itbayat Rural Health Unit., National Disaster Risk Reduction and Management Council, ndrrmc, P47-milyong ang halaga ng pinsalang dulot ng magkakasunod na lindol sa Itbayat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.