Natagpuang patay ang isang pygmy sperm whale na napadpad sa baybayin ng Matina sa Davao City, Linggo ng umaga, July 28, 2019.
Ayon kay Prof. Darrell Blatchley, isang bone collector, lumabas sa kanyang mga pagsusuri na mga plastic na basura na bumara sa lalamunan ng balyena ang naging dahilan ng pagkamatay nito.
Dagdag pa ni Blatchley, ang mga nakabarang plastic na basura sa lalamunan ng balyena ang ang naging dahilan ng unti-unti itong panghihina nito hanggang sa bawian ng buhay.
Ayon sa mga naitalang ulat, nasa 63 balyena at dolphin na ang natagpuang patay sa Davao gulf mula pa noong taong 2009 at 43 sa mga ito ang nakakain ng plastic na napagkakamalan nilang maliliit na isda at dikya.
MOST READ
LATEST STORIES