Pygmy sperm whale, natagpuang patay sa baybayin ng Davao City

By Marlene Padiernos July 29, 2019 - 10:08 AM

Natagpuang patay ang isang pygmy sperm whale na napadpad sa baybayin ng Matina sa Davao City, Linggo ng umaga, July 28, 2019.

Ayon kay Prof. Darrell Blatchley, isang bone collector, lumabas sa kanyang mga pagsusuri na mga plastic na basura na bumara sa lalamunan ng balyena ang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Dagdag pa ni Blatchley, ang mga nakabarang plastic na basura sa lalamunan ng balyena ang ang naging dahilan ng unti-unti itong panghihina nito hanggang sa bawian ng buhay.

Ayon sa mga naitalang ulat, nasa 63 balyena at dolphin na ang natagpuang patay sa Davao gulf mula pa noong taong 2009 at 43 sa mga ito ang nakakain ng plastic na napagkakamalan nilang maliliit na isda at dikya.

 

TAGS: Matina sa Davao City, Natagpuang patay ang isang pygmy sperm whale, Prof. Darrell Blatchley, Matina sa Davao City, Natagpuang patay ang isang pygmy sperm whale, Prof. Darrell Blatchley

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.