LOOK: Senator Manny Pacquiao dumalo sa flag-raising ceremony ng Manila City Hall

By Dona Dominguez-Cargulllo July 29, 2019 - 08:41 AM

Dumating sa Bonifacio Shrine sa Maynila si Senator Manny Pacquiao para dumalo sa flag-raising ceremony ng Manila City Hall.

Nagtalumpati din ang senador matapos ang seremonya.

Pinasalamatan ni Pacquiao, si Manila Mayor Isko Moreno sa isinasagawang clean up drive sa lungsod.

Ayon kay Pacquiao, ang hirap na nararanasan ng mahihirap na residente ng lungsod ay dinanas din lahat ni Moreno.

Payo ng senador sa alkalde, ipagpatuloy lamang ang nasimulan dahil maaaring hindi lang Maynila ang kaniyang mapagserbisyuhan.

Si Pacquiao ay ‘adopted son’ ng Maynila dahil sa lungsod nito noon nagsanay bilang boxer.

TAGS: Bonifacio Shrine, flag-raising ceremony ng Manila City Hall., Manila Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao, Bonifacio Shrine, flag-raising ceremony ng Manila City Hall., Manila Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.