Pagpapasara sa operasyon ng PCSO suportado ng ilang kongresista
Kinampihan ng ilang mga kongresista ang naging hakbang ni Pangulong Duterte na ipasara ang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Ayon kay House Minority Leader Benny Abante, marapat lamang na maging pursigido ang pamahalaan laban sa sugal.
Sinabi ni Abante na itinuturing niya ito bilang isang uri ng korapsyon hindi lamang pagdating sa pera kundi maging sa moral ng isang tao.
Bagaman suportado niya ang naging desisyon ng pangulo sa STL at lotto, sinabi ni Abante na nababahala naman daw siya para sa mga operators na hindi naman sangkot sa issue ng korapsyon.
Naniniwala naman si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na kasunod ng naging hakbang ng Pangulo ay magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa gaming schemes sa bansa.
Ito ay hindi lamang aniya para matiyak na walang korapsyon dito, kundi para matukoy din ang impact sa ekonomiya at programang pinopondohan ng PCSO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.