Pamamahagi ng fuel cards hanggang July 31 na lang ayon sa LTFRB

By Dona Dominguez-Cargullo July 29, 2019 - 08:15 AM

Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper at operator na hindi pa nakakapg-claim ng kanilang PPP Fuel Cards.

Ayon sa LTFRB, mayroon na lamang silang hanggang July 31 para i-claim ang kanilang Fuel Cards.

Ang mga tsuper at operator na beneficiaries ng Pantawid Pasada Program ay mayroong P20,514 na tulong na pang-krudo ngayong taong 2019.

Ayon sa LTFRB, ang mga operator / drivers na sa kanila nakapangalan ang prangkisa ay maari nang i-claim ang cards.

Kung magpapadala naman ng kinatawan para mag-claim ay kailangan ng SPA, at iba pang requirements.

Payo ng LTFRB tumawag sa pinakamalapit na LTFRB Regional Office sa para sa schedule ng pamamahagi ng Fuel Cards.

TAGS: fuel cards, ltfrb, fuel cards, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.