Operasyon ng Lotto at STL, matatagalan pa ang pagbabalik – DOJ
Posibleng matagalan pa ang muling pagbubukas ng operasyon ng lotto at STL matapos na iutos ng Pangulo ang pagsasara nito dahil sa korapsiyon.
Ayon kay Justice Secretaray Menardo Guevarra, bagaman legal ay hindi kaagad mabubuksan ang lotto at STL.
Sabi ng kalihim, kailangang matapos ang imbestigasyon ng NBI patungkol sa mga anumalya sa operasyon ng PCSO-licensed gaming operators, lalo na ang hindi pagre-remit ng tamang share sa pamahalaan at ang posibleng pagkakasangkot ng mga tiwaling opisyal at kawani ng PCSO.
Samantala, nilinaw ng kalihim na may kapangyarihan si Pangulong Duterte na suspendihin at tuluyan na ihinto ang PCSO-licensed gaming operations sa sandaling mapatunayan na hindi tumutugon sa kanilang obligasyon ang mga lisensiyadong gaming operators.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.