ALAMIN: Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo

By Rhommel Balasbas July 29, 2019 - 02:41 AM

Nag-anunsyo na ang ilang kumpanya ng langis ng paggalaw sa presyo ng petrolyo sa linggong ito.

Una nang nagpatupad ng P1 rollback sa gasolina ang Phoenix Petroleum at Cleanfuel alas-6:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon, kahapon araw ng Linggo, July 28.

Sa abiso naman ng Shell, Petro Gazz, at Seaoil, aabot lang sa P0.95 ang bawas sa presyo ng kanilang gasolina.

Samantala, ang presyo naman ng diesel at kerosene o gaas ay parehong tataas sa linggong ito.

Tataas ng P0.15 kada litro ang diesel at P0.10 kada litro ang dagdag sa gaas.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng price adjusments ang iba pang kumpanya ngayong araw.

TAGS: diesel, gasoline, kerosene, Oil price adjustments, diesel, gasoline, kerosene, Oil price adjustments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.