PCSO: Mga nanalo sa Lotto at Keno maaari pang kumuha ng premyo

Maaari pang kunin ng mga nanalo sa Lotto at Keno ang kanilang mga premyo ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ang paglilinaw ng PCSO sa kanilang advisory sa Facebook makaraan ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang lahat ng kanilang gaming operations dahil sa umano’y isyu ng korapsyon.

Ayon sa PCSO, lahat ng may winning Lotto at Keno tickets ay maaaring mag-claim ng papremyo sa kanilang opisina simula ngayong araw, July 29.

Valid ang panalo ng mga nagwagi sa Lotto at Keno sa loob ng isang taon matapos ang draw date.

“May we inform the public that prizes, regardless of amount, of all LOTTO AND KENO winning tickets, which are valid within one (1) year from the draw date can be claimed at the PCSO Head Office, Conservatory Building, Shaw Boulevard in Mandaluyong City from 8:15 a.m. to 4:30 p.m., Monday to Friday, starting July 29, 2019,” ayon sa PCSO.

Nitong weekend ay isinara ng Philippine National Police (PNP) ang marami sa mga lotto at small-town lottery (STL) outlets sa bansa.

Read more...