Timbog araw ng Sabado ang isang teller ng lotto outlet sa Brgy. Pio del Pilar, Makati makaraang magnakaw ng P17,000 na bahagi ng kita sa lotto.
Nakilala ang teller na si Leila Escote, 39 anyos na inireklamo ng bank employee at may-ari ng lotto outlet na si Heidi Bidallo.
Ayon kay Vidallo, umabot lamang sa P61,676.18 ang nai-remit ni Escote na kulang ng P17,000 dahil ang kabuuang lotto sales ay dapat P78,676.18.
Umamin umano si Escote na kinuha niya ang P17,000 dahilan para humingo ng tulong si Vidallo sa mga pulis.
Nahaharap ngayon sa theft charges ang lotto teller.
Magugunitang ipinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kabilang na ang lotto at small town lottery dahil sa isyu ng korapsyon.