TNT wagi sa ikalawang beses kontra Ginebra sa PBA Semis

By Rhommel Balasbas July 29, 2019 - 12:28 AM

Muling pinataob ng TNT Katropa ang Barangay Ginebra sa Game 2 ng kanilang PBA Commissioner’s Cup semifinal series sa Araneta Coliseum, Linggo ng gabi sa iskor na 88-71.

Dahil dito, umakyat na ang kartada ng TNT sa 2-0 at tumataas ang tyansa na makapasok sa finals.

Pinangunahan ni Jayson Castro ang Katropa sa kanilang 20 points habang nakapagtala ang import na si Terrence Jones ng 15 points, 19 boards at 10 assists.

Ayon kay TNT coach Bong Ravena, sinwerte lamang ang kanyang koponan dahil hindi naging maganda ang laro ng Ginebra.

Ang Gin Kings na reigning conference champions ay pinangunahan naman ni Justin Brownlee na nagtala ng 25 points.

Umaasa ang Katropa para sa kanilang unang finals appearance sa loob ng dalawang taon.

Magaganap ang ikatlong laban sa Martes ng gabi sa Mall of Asia Arena.

TAGS: 2019 PBA Commissioner's Cup, Barangay Ginebra, semi-finals series, TNT KaTropa, 2019 PBA Commissioner's Cup, Barangay Ginebra, semi-finals series, TNT KaTropa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.