36 patay, 15 nawawala dahil sa landslide sa China
Aabot na sa 36 katao ang ‘presumed dead’ habang 15 ang nawawala makaraang gumuho ang lupa sa sourthern China noong Martes.
Sa ulat ng state-run Xinhua news agency, nasa 20 bahay ang nabaon sa lupa sa lalawigan ng Guizhou.
Umabot sa 40 katao ang naligtas mula sa pagguho sa Shuicheng county.
Sinasabing kabilang ang dalawang bata at isang nanay na may sanggol na anak sa mga nasawi ngunit hindi pa kumpleto ang detalye.
Gumagamit na ng malalaking panghukay ang rescuers para sa search and rescue operations na nilaanan na ng gobyerno ng aabot sa 30 million yuan.
Ang landslide ay bunsod ng nagpapatuloy na pag-uulan sa ilang bahagi ng China.
Sa ngayon, nagsisilbing emergency medical and rescue center para sa mga biktima ang isang local school.
Ang landslide ay karaniwan sa mga probinsya at bulubunduking bahagi ng China sa panahon ng tag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.