Patuloy na nakararanas ng aftershocks ang Batanes matapos tumama ang dalawang malakas na lindol noong araw ng Sabado.
Ayon sa Phivolcs, nasa siyam na aftershocks ang naitala hanggang Linggo ng hapon.
Yumanig ang pinakamalakas na aftershock na 3.5 magnitude sa lugar bandang 2:49 ng hapon.
Maraming residente ang nagdesisyong manatili muna sa mga tent at open field sa takot na bumigay ang kani-kanilang bahay.
Samantala, naipadala na ang unang batch ng mga relief good mula sa gobyerno para sa mga apektadong residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.