Ganito tinawag ni Senadora Nancy Binay ang naging aksyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapasara ng mga lotto outlet.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Binay na sa halip na tutukan ang small town lottery (STL) ay dapat pagtuunan ng pansin ng PNP ang paghuli sa mga kriminal.
Kasunod kasi ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang lahat ng gaming operation ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nagkasa ang PNP ang nationwide crackdown laban sa ilegal na pagsusugal.
Ani Binay, dapat nang itigil ng pulisya ang pag-aaksaya ng kanilang oras at tutukan ang pag-iimbestiga sa mga krimen tulad ng mga serye ng patayan sa Negros Oriental.
Nagpapakita aniya ito ng tila pagkakaroon ng ‘misplaced sense of priority’ ng PNP.
Dagdag ng senadora, wala nang sibli ang pagkandado ng mga pulis sa non-operational betting stations dahil naka-shutdown na ang main servers noon pang araw ng Biyernes.
Idiin pa ni Binay na gawing prayoridad ang pagsugpo sa krimen sa pamamagitan ng paghuli sa mga kriminal.