Isang Muslim group, suportado ang clearing ops sa Maynila
Suportado ng Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace ang ikinakasang clearing operations ni Mayor Isko Moreno sa Lungsod ng Maynila.
Sa Balitaan sa Maynila media forum, inamin ni Datu Basher Alonto, chairman ng Muslim community na may ilang Muslim na apektado ng operasyon sa bahagi ng Quiapo.
Ngunit, sinabi nito na dapat intindihin ng mga vendor ang batas sa halip na abusuhin ito.
Iginiit ni Alonto na ginawa ang mga kalsada para madaanan ng mga tao at sasakyan.
Dagdag pa nito, tiwala ang Muslim community sa mga ipinatutupad na polisiya ni Moreno para mapalakas ang turismo sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.