PCSO, may pondo pa para sa mga ospital na kailangan ng medical assistance
May pondo pa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa iba’t ibang ospital para ibigay sa mga hihingi ng medical assistance.
Ayon kay PCSO board member Sandra Cam, hindi naman agad na masasaid ang pondo ng PCSO kahit na ipinasara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gaming operations gaya ng lotto, Small Town Lottery (STL), Peryahan ng Bayan, KENO at iba pa.
Ayon kay Cam, maari rin namang humingi ng tulong ang publiko sa PhilHealth, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at iba pa.
Una rito, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na maari ring sumulat sa Office of the President ang mga hihingi ng medical assistance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.