Sandra Cam, may ebidensya ukol sa korupsyon sa PCSO

May hawak na matibay na ebidensya si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam na magpapatunay na talamak ang korupsyon sa operasyon ng small town lottery (STL), peryahan ng bayan at KENO.

Ayon kay Cam, isisiwlat niya ito kapag nagpatawag na ng pagdinig ang Kongreso.

Aminado si Cam na hindi nakatatanggap ng tunay na remittance ang PCSO mula sa mga operator ng STL dahil sa katiwalian.

Ayon kay Cam, bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa korupsyon.

Read more...