Malakanyang, pumalag sa batikos ng ilang senador sa pag-veto ni Pangulong Duterte sa Security of Tenure Bill

By Chona Yu July 28, 2019 - 06:04 PM

Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa batikos ng mga senador matapos i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure Bill.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na dapat pang magpasalamat ang mga senador dahil mayroong pangulo ang bansa na nag-iisip at hindi padalos-dalos sa mga desisyon.

Partikular na tinutugunan ng Palasyo ang pagkadismaya nina Senador Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva at Ralph Recto sa pagkakasbura sa Security of Tenure Bill.

Ayon kay Panelo, hindi lahat ng magaling na tao ay makikita ang maayos na posisyon ni Pangulong Duterte.

Payo ni Panelo sa mga mambabatas, maging bukas at huwag maging sensitibo.

Hindi aniya dapat na malungkot ang mga mambabatas at mga manggagawa dahil binabalanse lamang ng pangulo ang naturang usapin.

TAGS: Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, Security of Tenure bill, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, Security of Tenure bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.