Iskedyul ng last trip ng LRT-1, mas maaga na simula sa Lunes (July 29)

By Angellic Jordan July 28, 2019 - 05:37 PM

LRT-1 Twitter photo

Inanunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang pagbabago sa operating hours ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Sa Twitter, epektibo simula sa Lunes (July 29), sinabi ng LRMC na mas maaga nang aalis ang last trip ng tren mula Baclaran northbound bandang 9:30 ng gabi.

Ang tren naman mula Roosevelt southbound ay aalis bandang 9:45 ng gabi.

Mananatili naman ang iskedyul ng unang biyahe ng mga tren bandang 4:30 ng madaling-araw.

Paliwanag ng LRMC, layon nitong bigyang daan ang system upgrade ng LRT-1 para sa mas ligtas at mabilis na biyahe sa mga pasahero.

Inaasahang makukumpleto ang pagsasaayos sa October 2020.

TAGS: LRMC, lrt 1, operating hours, LRMC, lrt 1, operating hours

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.