Mga empleyado ng PCSO, hindi na kailangang pumasok sa Lunes – Panelo
Hindi na kailangang pumasok sa trabaho bukas, araw ng Lunes, ang mga empleyado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara ng gaming operations ng PCSO gaya ng lotto, Perya ng Bayan, KETO, Small Town Lottery (STL) at iba pa dahil sa isyu ng korupsyon.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na wala naman na kasing tatrabahuin ang mga empleyado ng PCSO dahil wala nang gaming operations.
Wala na aniyang saysay pa kung pumasok sa trabaho ang mga taga-PCSO.
“Eh kung pinasarado eh di sila sarado muna. Eh anong gagawin nila,” pahayag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.