Ilang biyahe ng mga eroplano sa NAIA kinasela dahil sa pagkidlat

By Ricky Brozas July 28, 2019 - 02:28 PM

Naantala ang ilang biyahe ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itaas ang red lightning alert linggo ng tanghali.

Itinigil muna ang ramp operations matapos itaas ang alerto pasado alas 12:13 ng tanghali bilang safety measure.

Ibinaba naman sa yellow ang alert status bandang 12:33 ng hapon at inalis 12:43 p.m.

Anim na domestic flights ang kinansela pansamantala ang biyahe dahil naman sa masamang lagay ng panahon.

Kabilang sa mga ito ay ang sumusunod na biyahe ng Cebu Pacific:
– 5J 771 at 772 na biyaheng Manila-Pagadian-Manila
– 5J 781 at 782 na biyaheng Manila-Ozamiz-Manila

SkyJet:
– M8 511 at 512 na biyaheng Manila-Camiguin-Manila

TAGS: cancelled flights, NAIA, Red Lightning Alert, cancelled flights, NAIA, Red Lightning Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.