DILG, suportado ang pagpapasara sa PCSO lotto outlets

By Angellic Jordan July 28, 2019 - 02:44 PM

Suportado ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto ang lahat ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na makatutulong ang direktiba ng pangulo para mahinto ang lumalalang korupsyon sa ahensya.

Makatutulong din aniya ito para sa rehabilitasyon sa PCSO.

Ani Año, ipinag-utos na niya sa Philippine National Police (PNP) ang agarang pag-implementa ng kautusan ng pangulo.

Aniya, kailangan ding sumunod at suportahan ng lahat ng local government unit (LGU) ang hakbang ng PNP para sa closure order.

TAGS: DILG, pcso, Sec. Eduardo Año, DILG, pcso, Sec. Eduardo Año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.