Antique, niyanig ng lindol

Phivolcs photo

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Antique, Linggo ng umaga.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 36 kilometers Northwest ng Patnongon bandang 10:18 ng umaga.

May lalim ang lindol na 2 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...