Lalaking nang hit-and-run sa Cebu, tinutugis na ng pulisya

By Clarize Austria July 28, 2019 - 01:23 PM

Patuloy pa rin ang paghahanap ng pulisya sa driver na nang hit-and-run at nakapatay sa isang lola at apo nito sa Barangay Poblacion Ward 2 sa bayan ng Minglanilla sa Cebu.

Kinilala naman ni Police Master Sergeant Junyl Aber ang mga biktima na sina Rufina Cuda, 83 anyos, at Bea Lyka Cuda, 18 anyos.

Ayon sa ulat, nakasakay sa inarkilang motorsiklo ang maglola papuntang Cebu City nang bigla itong binangga ng isang itim na sasakyan.

Tumilapon naman ang mga biktima pati na ang driver ng motorsiko na si Ronito Bacalso, 33 anyos, palabas ng motorsiklo.

Dinala naman ang maglola sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ngunit hindi na umabot ng buhay ang matanda habang ang apo nito ay binawian din ng buhay sa ospital.

Kasalukuyan tinitignan ng pulisya ang mga Closed Circuit Television (CCTV) recordings sa sa mga katabing establisyimento upang mahanap ang suspek.

TAGS: hit-and-run at nakapatay sa isang lola at apo, Tumilapon naman ang mga biktima pati na ang driver, Vicente Sotto Memorial Medical Center, hit-and-run at nakapatay sa isang lola at apo, Tumilapon naman ang mga biktima pati na ang driver, Vicente Sotto Memorial Medical Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.