Kinilala ng Quezon City Fire Department ang mga namatay na sina Jenny Macalso, 80 anyos at Emma C anlas, 46 anyos.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa ika-apat na palapag ng Bliss Condo bandang alas 2:26 ng madaling araw.
Hinihinalang salarin sa insidente ay ang naiwang kandila na sinindihan dahil walang kuryente.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at naideklarang fire out ng alas 3:22 ng madaling araw.
MOST READ
LATEST STORIES