Nasawi ang dalawang babae at sugatan ang tatlo pang katao sa pagsiklab ng sunog sa isang condominium sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City kaninang umaga.
Kinilala ng Quezon City Fire Department ang mga namatay na sina Jenny Macalso, 80 anyos at Emma C anlas, 46 anyos.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa ika-apat na palapag ng Bliss Condo bandang alas 2:26 ng madaling araw.
Hinihinalang salarin sa insidente ay ang naiwang kandila na sinindihan dahil walang kuryente.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at naideklarang fire out ng alas 3:22 ng madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.