Batas na magbabantay sa parking fee sa mga establisyimento, inihain sa Kamara

By Clarize Austria July 28, 2019 - 01:05 PM

Nagsumite ang isang mambabatas ng panukala na mangangasiwa sa pagpapatupad ng parking fees sa mga mall, ospital, eskwelahan, at iba pa.

Ayon kay Surigao del Norter Representative Robert “Ace” Barbers, inihain niya ang House Bill No. 506 o porposed Parking Fee Regulation Act para mabatayan ang paniningil sa packing fee.

Aniya, dito makikita kung sobra ba at makatarungan ba ang singil sa mga tao.

Para sa mga pribadong establisyimento, magbabayad ng P100 bayad kada 8 oras ang nais magpark at karagdagang P10 kada oras nalalagpas.

Para sa overnight parking, maaaring maningil ng P200 piso lamang ang mga establisyumento.

Ang mga gagamit naman ng parking spaces ng hindi lalagpas sa 30 minuto ay hindi na pagbabayarin.

Kung mayroon namang proof of purchase na nagkakahalaga ng P500 sa mall, restaurant, at tindahan ang customer, kailangang ilibre ang kaniyang parking.

Bukod dito, ang mga bumibisita naman sa ospital ay maaring malibre ng parking fee kung makita lang nila na may pruwerba ng “legitimate transaction.”

Kung maipapasa bilang batas, imamandato nito sa mga negosyante na panatiliing malinis at magkaroon ng sapat na seguridad sa kanilang mga parking places.

Papatawan naman ng P150,000 multa ang sino mang mag-overprice ng parking fee o kaya ay isa hanggang 3 taong pagkakakulong.

TAGS: malibre ng parking fee, P150K multa ang sino mang mag-overprice ng parking fe, panukala na mangangasiwa sa pagpapatupad ng parking fees, malibre ng parking fee, P150K multa ang sino mang mag-overprice ng parking fe, panukala na mangangasiwa sa pagpapatupad ng parking fees

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.