EO sa pagpapatigil ng operasyon ng PCSO, ilalabas ni Pangulong Duterte

Magpapalabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte para gawing pormal ang utos na ipasara ang operasyon ng lotto at iba pang gaming outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit na walang executive order, executory na ang utos ng pangulo.

Ayon kay panelo, kailangan nang maipatupad ang utos ng pangulo dahil sa malawak na korupsyon sa PCSO.

Read more...