Halos 3,000 katao apektado ng lindol sa Batanes ayon sa NDRRMC

By Clarize Austria July 28, 2019 - 12:41 PM

Umabot na sa 2,963 katao o 911 pamilya ang naapektuhan ng naranasang sunud-sunod na lindol sa Itbayat, Batanes.

Ayon ito sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) araw ng Linggo, July 28.

Nasa walo naman ang kumpirmadong nasawi habang 63 ang nasugatan na kasalukuyang nas Itbayat District Hospital.

Dinala naman ang anim na lubhang nasugatan sa Batanes General Hospital.

Nagsilbing evacuation center ang palengke sa barangay San rafael para sa mga naapektuhang pamilya.

Matatandaan na magkasunod na niyanig ng magnitude 5.4 at 5.9 ang bayang ng Itbayag sa nasabing lalawigan.

 

TAGS: 8 nasawi 63 sugatan sa lindol sa Batanes, NDRRMC, sunud-sunod na lindol sa Itbayat sa Batanes, 8 nasawi 63 sugatan sa lindol sa Batanes, NDRRMC, sunud-sunod na lindol sa Itbayat sa Batanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.