Ilang opisyal ng LGU, mga hukom kasama sa korupsiyon sa PCSO

Malalaking tao ang nasa likod ng korupsyon sa gaming operations sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi lamang mga taga-PCSO ang sangkot kundi maging ang ilang local government officials at mga hukom.

Ayon kay Panelo, ibubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakakilanlan ng mga malalaking tao pagdating ng takdang panahon.

Nagiging maingat aniya ang pangulo sa pagbibigay ng pangalan sa mga sangkot sa korupsyon para hindi magkamali.

Bilyong piso aniya ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa korupsyon sa PCSO.

Read more...