Mga produktong petrolyo, may dagdag-bawas ngayong Linggo

AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

Nagpatupad ng bawas-presyo sa gasolina ang ilang kumpanya ng langis araw ng Linggo, July 28, 2019.

Piso ang rollback na ipinatupad ng Phoenix Petroleum simula kaninag alas 6:00 ng umaga ng linggo.

Ang Clean Fuel naman ay may tapyas na piso sa gasolina mamayang alas 4:00 ng hapon.

Samantala, nakaamba naman ang pagtaas sa presyo ng diesel na katumbas ng P0.10 sa kada litro at kerosene P0.10 kada litro simula sa Martes, Hulyo 30.

Ayon sa oil industry sources, humina ang pangkalahatang demand sa petrolyo bunsod ng pangambang pagtamlay ng ekonomiya ng mga malalaking bansa.

Read more...