Albayalde, nagpadala na ng dagdag na pulis sa Batanes

By Noel Talacay July 28, 2019 - 09:07 AM

INQUIRER PHOTO/ JAM STA ROSA

Tumulong na rin ang Philippine National Police (PNP) sa retrieval operations at pagbibigay ng seguridad sa Batanes matapos ang pagtama ng dalawang malakas na lindol sa lalawigan.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, nagpadala na siya ng mga pulis sa nasabing lugar para masiguro ang kapayapaan sa nasabing lalawigan.

Panawagan naman niya na publiko na umiral ang bayanihan para muling maitayo ang isa sa tourist destination sa bansa.

Nagpaabot rin si Albayalde ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng nasabing pagyanig sa bayan ng Itbayat.

Matatandaang dakong alas 4:00 ng madaling araw ay tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa lugar na sinundan naman ng mas malakas na 5.9 magnitude na aftershock pasado alas 7:00 ng umaga.

Siyam katao ang nasawi na ang nasawi sa Itbayat at 60 iba pa ang sugatan.

TAGS: magnitude 5.4 at magnitude 5.9 na lindol sa Batanes, Philippine National Police, PNP chief Police General Oscar Albayalde, retrieval operations at pagbibigay ng seguridad sa Batanes, magnitude 5.4 at magnitude 5.9 na lindol sa Batanes, Philippine National Police, PNP chief Police General Oscar Albayalde, retrieval operations at pagbibigay ng seguridad sa Batanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.