Ayon kay Indian Foreign Minister Raveesh Kumar, hindi sila tumitigil sa pakikipagugnayan sa Iran para pakawalan na ang natitirang crew members ng MT Riah.
Wala naman binibigay na pahayag ang Iran government kung bakit hindi pa nito pinapalaya ang tatlong crew members.
Pero nauna ng pinalaya ang siyam na crew members ng nasabing oil tanker.
Matatandaan, noong July 13, dinakip ng Iranian coastguard ang 12 Indian crew members na lulan ng MT Riah dahil sa diumano’y iligal na pag-aangkat nito ng langis.
MOST READ
LATEST STORIES