Power plants sa Batanes, hindi napinsala ng lindol

By Noel Talacay July 28, 2019 - 08:45 AM

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na hindi napinsala ang mga power plant na nagsusupply ng kuryente sa Batanes matapos mangyari ang 5.9 magnitude na lindol sa probinsya.

Base sa monitoring ng Task Force on Energy Resiliency, normal ang operasyon ng mga power plant at hindi ito naapektuhan ng nasabing pagyanig.

Nakahadang mag operate ang Itbayat Diesel Power Plant kapag handa na ang distribution system ng Batanes Electric Cooperative (Batanelco).

Patuloy naman ang assesment ng Batanelco sa mga linya ng kuryente sa mga tininuturing ng mga critical infrastracture tulad ng hospital, communication center, at mga sangay ng pamahalaan.

Sa papamamgitan ng National Electrification Administration, magpapahiram ng mga generators ang Cagayan I Electric Cooperative at Isabela II Electric Cooperative.

Mayroon naman sapat ng supply ng petrolyo ang Petron sa isla na tatagal hanggang dalawang buwan.

TAGS: Batanes Electric Cooperative (Batanelco), Cagayan I Electric Cooperative, Department of Energy, Isabela II Electric Cooperative, normal ang operasyon ng mga power plant, Task Force on Energy Resiliency, Batanes Electric Cooperative (Batanelco), Cagayan I Electric Cooperative, Department of Energy, Isabela II Electric Cooperative, normal ang operasyon ng mga power plant, Task Force on Energy Resiliency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.