Limang lalaki na nagpapataya ng STL, huli sa Quezon City

By Noel Talacay July 28, 2019 - 08:34 AM

Arestado ang limang lalaki nagpapataya ng Small Town Lottery (STL) habang nagsasagawa ng mga pulis ng operasyon sa pagpapasara ng mga Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaming scheme bandang alas 7:00 ng umaga, araw ng Sabdao, July 27.

Nakilala ang mga suspek na sina Rey Nacional, 58 anyos, Robert Paras, 47 anyos; Arnoldfo Vargas, 60 anyos; Arnel Morillo, 33 anyos at Thelmo Comia, 67 anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang pitong mga ballpen, apat na sling bag, tatlong identification mula sa Great Platinum Gaming Online Inc. at perang nagkakahalaga ng P1,602.

Ginawa ang nasabing opresayon sa kahabaan ng Mega Q-Mart, Brgy E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Degree 1602 PD 1602 as amended by Republic Act 9287 o Illegal Numbers Game/Jueteng.

TAGS: Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Small Town Lottery (STL), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Small Town Lottery (STL)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.