DFA, tutulungan ang mga Pinoy na nasa Israel
Magaabot ng tulong ang embahada ng Pilipinas sa Israel para sa mga Pilipinong matagal ng nananatili sa Israel.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), tinitignan na nila ang pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) at kanilang mga anak na nakatakdang i-deport mula sa bansa.
Ang deportation sa mga OFW at mga pamilya ay dulot ng overstaying at iba pang paglabag sa batas sa naturang bansa.
Sinabi rin ng DFA na ang embahada sa Tel Aviv ay nakikipagugnayan na sa Israel upang maayos na makauwi ang mga Pinoy sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.