M-6.5 na lindol, naitala sa south coast ng Japan Honshu

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang malapit sa south coast ng isla ng Honshu sa Japan kaninang alas 2:31 ng hapon oras sa Pilipinas.

Ayon ito sa nakitang paggalaw sa lupa ng European earthquake monitoring service o EMSC.

Naramdaman ang naturang pagyanig ng 30 million katao sa lugar at naitala ang lalim nito na 418 kilometro.

Wala namang naitalang mga pinsala o nasugatan sa naganap na lindol.

Kaugnay nito, naglabas ng abiso ang Phivolcs na walang naitalang Tsunami Threat ang naturang pagyanig.

Excerpt: Naglabas ng abiso ang Phivolcs na walang naitalang Tsunami Threat sa Pilipinas ang naturang pagyanig.

Read more...