Higit 2500 na PCSO outlets, naipasara na rin sa Region 4A

By Clarize Austria July 28, 2019 - 07:46 AM

Umabot sa 2531 na Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) outlets ang naisara ng Philippine National Police (PNP) sa Region 4A kahapon.

Sa datos na inilabas ng pulisya, nakapagsara sila sa Cavite ng 334 loot outlets at 1333 Small Town Lottery (STL).

Sa Laguna, tigil na rin ang operasyon ng 145 lotto outlets at 31 STL habang sa Batangas sarado na ang 165 lotto outlets, 38 STL, at 57 Keno outlets.

Sa Rizal naman nasa 198 ang closed na lotto outlets, 15 STL, at 49 Keno outlets samantalang sa Quezon ay umabot sa 93 lotto outlets, 44 STL, at 29 Keno outlets.

Ang pagpapatigil sa operasyon ng nasabing mga establisyimento ay base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ipinagbawal na ang kahit anong operasyon sa ilalim ng PCSO.

TAGS: Keno, peryahan ng bayan. STL, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine National Police (PNP) sa Region 4A, Small Town Lottery (STL), Keno, peryahan ng bayan. STL, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine National Police (PNP) sa Region 4A, Small Town Lottery (STL)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.