Ito ay ayon kay Governor Marilou Cayco na nagsabing ikinokonsidera na nila na magdeklara ng state of calamity sa lalawigan dulot ng mga pagyanig.
Tinitignan pa aniya nila ang mga pinsala bago mag-anunsyo ng deklarasyon ng state of calamity.
Sa kasalukuyan, siyam na katao na ang naitalang nasawi.
Matatandaang nakaranas ng magnitude 5.4 ang naturang lugar bandang alas 4:16 ng umaga na sinundan ng magnitude 5.9 pagkaraan ng tatlong oras.
MOST READ
LATEST STORIES