Sugatan sa lindol sa Batanes, umabot na sa 100 ayon sa Gov
Pumalo na sa 100 katao ang nasugatan sa naramdamang lindol sa bayan ng Itbayat sa Batanes kahapon, July 27.
Ito ay ayon kay Governor Marilou Cayco na nagsabing ikinokonsidera na nila na magdeklara ng state of calamity sa lalawigan dulot ng mga pagyanig.
Tinitignan pa aniya nila ang mga pinsala bago mag-anunsyo ng deklarasyon ng state of calamity.
Sa kasalukuyan, siyam na katao na ang naitalang nasawi.
Matatandaang nakaranas ng magnitude 5.4 ang naturang lugar bandang alas 4:16 ng umaga na sinundan ng magnitude 5.9 pagkaraan ng tatlong oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.